Hindi irerekomenda ni DND Secretary Delfin Lorenzana ang panibagong extension ng martial law sa mindanao.
Ito ang sagot ng kalihim kung siya lang ang tatanungin.
Pero sinabi nito na hinihintay pa niya ang rekomendasyon na manggagaling sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP).
Ayon kay Lorenzana, nakadepende kasi sa magiging rekomendasyon ng militar at pulisya ang kanilang ipapayo sa Pangulong Rodrigo Duterte.
Binigyang-diin ng kalihim na sa kanyang palagay ay hindi na kailangan palawigin pa ang martial law sa Mindanao dahil sobrang tagal na itong ipinatupad.
Kaya na rin daw gawin ng pulis at militar ang kanilang trabaho na tiyakin ang seguridad.
Hirit din ng kalihim na sana maipasa na ang ang inihihirit nilang Human Security Act.
Samantala, ilang lugar narin sa Mindanao, ang humingi na rin na i-lift ang martial law sa kanilang lugar dahil sa maayos naman ang situasyon doon.
“End of this year, December 31st, we are waiting for the recommendation of the Armed Forces at saka yung PNP, depende sa kanilang recommendation but kung ako lang I will not recommend anymore the extension, matagal nang masyado e, para we can do our job naman, kaya nga especially if the senate or the congress can pass the, yung human security act na nabigyan ng kunting ngipin yung ating law enforcement then thats a better arrangement than Martial Law,” pahayag pa ni Lorenzana.