Tiniyak ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) na poprotektahan ang old structures ng Intramuros City, ito ay sa gitna ng Pasig River urban development project.
Ayon kay DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar, mismong si First Lady Liza Marcos ang nagbigay-diin na kailangan protektahan ang cultural heritage ng Intramuros. Kaya tinitiyak umano nila na ang cultural heritage ng Walled City ay hindi magagalaw sa buong construction sa paligid ng lugar bilang bahagi ng Pasig Bigyang Buhay Muli (PBBM) project na naglalayong i-rehabilitate at i-maximize ang economic potentials ng waterway.
Bukod sa pagpapanumbalik ng ilog sa naturang lugar, layunin din ng proyekto na tumulong sa pagtugon sa mga isyu sa trapiko sa mga lungsod sa tabi ng ilog sa pamamagitan ng paglikha ng tuluy-tuloy na koneksyon sa pagitan ng kalsada at water transport.
Tinatayang matatapos naman ang proyekto sa loob ng 3 hanggang 5 taon at popondohan sa pamamagitan ng mga donasyon ng private sector.