-- Advertisements --
image 273

Umaasa ngayon ang Department of Foreign Affairs na magbubukas na sa lalong madaling panahon ang Rafah border crossing malapit sa Egypt para sa mga lumikas na mga sibilyang naipit sa giyera sa Israel.

Ayon kay DFA spokesperson Teresita Gaza, ito ay pang mapayagan nang makatawid sa Egypt ang mga kababayan nating lumisan sa Gaza Strip nang dahil sa nagpapatuloy na kaguluhan doon sa pagitan ng Israeli Defense Forces at militanteng grupong Hamas.

Sa gitna ito ng pagsusumikap ng ahensya na mapauwi na sa bansa ang mga kababayan nating naapektuhan ng naturang digmaan.

Samantala, sa ngayon ay patuloy pa rin ang ginagawang pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan ng DFA sa mga kasosyo nito upang hilingin ang pagbubukas ng Rafah border sa Israel para sa humanitarian purposes.

Kung maaalala, noong Linggo ay itinaas na ng gobyerno ng Pilipinas sa Alert Level 4 ang crisis warning sa Gaza na nangangahulugan ng pagpapatupad ng mandatory repatriation para sa lahat ng mga Pilipino sa lugar.