-- Advertisements --

Siniguro ng Department of Foreign Affairs (DFA) na tuloy-tuloy ang kanilang pagpapadala ng diplomatic protest sa China, ukol sa nais na palayasin ang mga sasakyan ng China sa West Philippine Sea.

Ayon kay DFA Sec. Teddy Locsin Jr., kahit hindi ito napag-uusapan, seryoso pa rin nilang ipinaglalaban ang ating karapatan sa sariling EEZ.

Ang pinakahuling diplomatic protest ay ipinadala umano kahapon, ukol sa mga Chinese fishing boats na namataan sa Scarborough Shoal.

Nagsimulang maghain ng mga protesta ang Pilipinas laban sa China, matapos mamataan ang daan-daang fishing at militia vessel ng China sa karagatang pasok sa ating teritoryo.