Todo pasasalamat ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa Filipino community sa Turkiye na nagbibigay na din ng tulong sa mga kapwa Pinoy na naapektuhan ng malakas na lindol.
Sinabi ni DFA Undersecretary Eduardo Jose De Vega na namamahagi ang Filipino Community na nasa Ankara ng tulong sa kapwa Pilipino na naapektuhan ng lindol.
Aniya, mayroon ding nangangailangan ng financial assistance na kanila naman aniyang ibinibigay.
Sa ngayon ay natatalakay na din aniya ang posibleng pagpapatupad ng repatriation para sa mga Pilipinong nais umuwi bunsod ng nangyaring pagyanig.
Aayusin lang ani de Vega ang isyu sa citizenship lalo’t marami sa mga Pilipino sa Turkey ay nakapag-asawa na ng Turko.
Sa ngayon ay nasa 248 mga Pinoy ang nasa affected areas at 64 na ang nadala sa embahada.