-- Advertisements --

Tinutulan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang umano’y misrepresentation ng katotohanan ng Chinese consul kaugnay sa 2016 arbitral ruling na nagpapawalang bisa sa malawakang claims ng China sa pinagtatalunang karagatan kabilang ang West PH Sea.

Sa isang press conference kaso sa Iloilo city noong Pebrero 8, sinabi ni Chinese Consul General to Cebu Zhang Zhen na illegal, null at void ang naturang ruling ng arbitral tribunal sa The Hague, Netherlands at kailanman ay hindi umano ito kikilalanin ng China.

Giit ng DFA na dapat irespeto ng China ang desisyon ng tribunal kung saan pinagtibay nito ang sovereign rights ng PH sa exclusive economic zone sa ilalim ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) at idineklarang iligal ang expansive teritorial claims ng China sa disputed waters.

Saad pa ng ahensiya na ang PH at China ay kapwa partido sa UNCLOS kayat patuloy aniya ang kanilang panawagan sa China na kumilos ng responsable at sumunod sa mga obligasyon nito sa ilalim ng UNCLOS at sa 2016 Arbitral award. (With reports from Bombo Everly Rico)

Top