-- Advertisements --

Nakatakdang tumungo sa Jakarta, Indonesia si Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Enrique Manalo.

Ito ay para dumlo sa Foreign Ministers Meeting ng Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) mula Hulyo 11 hanggang 14.

Dito, inaasahang tatalakayin ng mga ministro ng iba’t ibang ASEAN member countries ang mga prayoridad para naman sa Community Building efforts ng rehiyon.

Inaasahan din silang magpalitan ng mga pananaw at kuro-kuro patungkol sa ASEAN external affairs and relations.

Ibibida rin ni Manalo rito, ang mga naging tagumpay ng Pilipinas sa ASEAN-led bodies tulad ng ASEAN Plus Three, East Asia Summit, ASEAN Regional Forum, at mga pagpupulong sa ASEAN Dialogue partners.