Aabot na sa halos 10,000 ang bilang ng mga Pilipinong nasa ibang bansa na tinamaan ng pandemic na COVID-19, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Sa inilabas na data ng DFA, isang bagong kaso ng sakit lang ang nadagdag kaya ang total ng confirmed cases sa mga Pilipino abroad ay 9,984.
Mula sa nasabing bilang, may 3,298 na nagpapagaling. Samantalang 5,953 na ang gumaling dahil sa 26 new reported recoveries.
Wala namang nadagdag sa bilang ng mga namatay, kaya ang total deaths sa kanilang hanay ay nananatili sa 733.
Matatagpuan sa 73 bansa at iba’t-ibang rehiyon ang mga Pilipinong tinamaan ng COVID-19.
Pinakamaraming naitala sa Middle East/Africa region na nasa 6,927. Sumunod sa Europe na may 1,158 cases; Asia-Pacific region na umabot sa 1,107; at Americas na nasa 792.
“With 9,505 overseas Filipinos repatriated this week, the DFA reports a total of 144,795 Filipinos repatriated since the COVID-19 outbreak since February 2020.”
“The DFA remains fully committed to monitoring the situation of overseas Filipinos who are affected by the pandemic and remains steadfast in promoting and protecting their welfare.”










