Ipinatawag ng Department of Foreign Affairs ngayong araw ang chargé d’affaires ng Embahada ng China sa Maynila kasunod ng Pinakahuling insidente ng panghaharrass ng China Coast Guard sa mga barko ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Sa isang pahayag sinabi ni DFA Spokesperson Ma. Teresita Daza na ito ay upang ipaabot ang Mariing pagkondena at pagpoprotesta ng Pilipinas sa panibago nanamang agresibong mga aksyon ng China Coast Guard at Chinese Maritime Militia sa naturang pinag-aagawang teritoryo.
Sa naturang pahayag ay iginiit ng kalihim na walang karapatan ang China na magkaroon ng presensya sa Ayungin shoal na isang low-tide elevation na nasa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas.
Kasabay din ng pagbibigay-diin sa continental shelf na alinsunod sa 1982 United Nation Convention on Law of the Sea na pinagtibay naman ng 2016 Arbitral Award.
Ayon ka sa DFA secretary, ang patuloy na panghihimasok ng China sa mga routine at lawful activities ng ating bansa sa loob mismo ng EEZ ng Pilipinas ay hindi kailanman magiging katanggap-tanggap at malinaw na paglabag sa sovereign rights at jurisdiction ng ating bansa.
Dahil dito ay muling binigyang-diin ng ahensya ang kautusan ng Pilipinas sa lahat ng mga barko ng China na lisanin na ang bisinidad ng Ayungin shoal, at ang lahat ng mga isang nasasakupang ng EEZ ng Pilipinas.