-- Advertisements --
Nakahanda ang Department of Foreign Affairs (DFA) sakaling lumala pa ang sitwasyon sa pagitan ng Taiwan at China.
Pagtitiyak ng DFA na mananatiling kaibigan ng Taiwan at China ang Pilipinas at isusulong ang pangkalahatang paggalang.
Ayon pa sa DFA na may mga contigency plans ang nakalaan para sa ilang libong overseas Filipino workers na maapektuhan sakaling tumindi pa ang kalagayan doon.
Tinatayang aabot sa halos 200,000 na mga OFW ang nasa Taiwan at handa aniya ang DFA na ilikas ang mga ito sakaling lumala ang sitwasyon nila ng China.