-- Advertisements --

Umakyat na sa 13,018 ang bilang ng mga Pilipino na nasa ibang bansa na nagpositibo sa COVID-19.

Pero ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), wala namang pagbabago sa kabuuang bilang ng recoveries at fatalities sa 8,460 at 934, habang ang mga pasyente naman na kasalukuyang nagpapagaling pa rin ay 934.

Sa Asia at Pacific region, mayroong 2,710 Pilipino ang tinamaan ng COVID-19, kung saan 796 rito ay sumasailalim pa sa treatment.

Kabuuang 1,893 pasyente naman sa rehiyon ang naka-recover na habang 21 ang tuluyang binawian ng buhay.

Sa Middle East o Africa, kabuuang 7,712 cases ang naitala kung saan 2,421 dito ang nagpapagaling pa, 4,690 ang recoveries, at 601 ang fatalities.

Doon sa Europe, kabuuang 1,809 cases ang naitala, kung saan sa naturang bilang 340 rito ang nagpapagaling pa, 1,351 ang gumaling na at 118 ang namatay.

Samantala, 787 cases naman ang naitala sa America kung saan 67 dito ang nagpapagaling, 526 ang gumaling na at 194 naman ang pumanaw na.