-- Advertisements --

Itinalaga bilang bagong tagapagsalita ng Department of Foreign Affairs (DFA) si Ma. Teresita Daza.

Si Daza ay dating ambassador ng bansa sa Chile.

Sinabi ni DFA Secreary Enrique Manalo na isang beteranong career diplomat si Daza na siyang magiging epektibo sa ahensya.

Dagdag pa nito na huling nagtalaga ang DFA ng tagapagsalita ay noong nakalipas ng apat na taon at sa loob ng 18 taon ay nagkaroon muli ng babaeng tagapagsalita.