Inanunsyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) na isa pang Pinoy ang namatay dahil sa wildfire sa isla ng Maui sa Hawaii.
Sinabi ni Foreign Affairs Undersecretary Eduardo De Vega na ang panibagong nasawi ay kinilalang si Rodolfo Rocutan, 76 taong gulang.
Ang konsul ng PH sa Hawaii ay nagtala ng mabigat na proseso upang matukoy ang mga nasawi sa mga wildfire.
Bineberipika pa rin ng Konsulado ng Pilipinas ang pagkakakilanlan ng dalawa pang posibleng Filipino na nasawi.
Dagdag dito, nakakatanggap ang kanilang mga pamilya ng suporta mula sa gobyerno ng Pilipinas, kabilang ang cremation at repatriation ng mga labi.
Sinabi naman ni Foreign Affairs Assistant Secretary Paul Cortes na umabot na sa 114 ang kabuuang bilang ng nasawi sa mga wildfires.
Aniya, hanggang sa kasalukuyan,ay patuloy pa rin ang search and rescue operations.
Una nang sinabi ni Consul General Emil Fernandez na kailangang kumuha ng DNA sample ang mga awtoridad mula sa mga taong nagsasabing nawawala pa rin ang kanilang mga kamag-anak na dulot ng naturang malawakang wildfire.