-- Advertisements --

Kinuwestyon ni Vice President Sara Duterte kung bakit nanalo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa 2022 elections, at inakusahan ito ng umano’y “pagsisinungaling” sa kanyang mga pangako at kakayahan sa pamumuno.

Sinabi ni Duterte na marami umano ang nagtatanong kung paano nangyari ang pagkapanalo ni Pres. Marcos sa pagkapangulo.

Giit pa niya, sa kanyang pananaw, hindi tumugma ang mga ipinangako ng Pangulo sa aktuwal na sitwasyon ng bansa, lalo na sa gitna ng mga hamon sa ekonomiya.

Si Marcos ay nanalo bilang ika-17 Pangulo ng Pilipinas noong 2022 matapos makakuha ng mahigit 31 milyong boto, habang si Duterte naman ay nanalo bilang Bise Presidente sa parehong halalan. (report by Bombo Jai)