-- Advertisements --

Muling iginiit ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nasa mandato nila ang pag-isyu ng Philippine visas sa mga foreign nationals.

Ayon sa DFA na mayroong sinusunod na 1963 Vienna Convention on Consular Relations, 1987 Administrative Code, and the Codified Visa Rules and Regulations of the Philippines of 2002.

Dumadaan aniya sa proseso ng DFA ang mga pagbibigay ng estado ng visa applicants bilang lehitimong bisita sa pagbiyahe nila sa Pilpinas.

Magugunitang sinabi ni Justice Secretary Jesus Remull na irerekomenda nito kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang pagkakaroon ng third party na siyan mangangasiwa sa pagbibigay ng visas sa mga Chinese nationals.