Hihigpitan na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga panuntunan para sa pag-iisyu ng tourist visa para sa mga Chinese national.
Ito ay sa gitna ng mga naitatalang kaso ng pagkuha ng mga visa sa ilegal na paraan at krimen sangkot ang mga kompaniya ng Philippine offshore gaming operators (POGOs).
Ayon kay Foreign Affairs USec. Jesus Domingo, ipapatupad ngayong linggo ang bagong mga requirement para sa tourist visa.
Aniya, kabilang sa bagong requirement ay ang pagpresenta ng mga apilkante ng social security documents.
Gayundin ang government IDs, patunay na may pinansiyal na kapasidad at employment certificate at bank statements.
Ayon kay USec. Domingo, nakatanggap umano ang PH Consular officers sa China ng peke o fraudulently acquired documents at natuklasang walang pinansiyal na kapasidad ang ilang aplikante bilang mga turista.
Binangit din ng opisyal ang mga posibilidad ng pagtatangkang suhulan ang staff ng PH Consular sa China para makakuha ng tourist visa.
Nilinaw naman ng DFA official na hindi konektado ang mas mahigpit na visa policy sa iba pang national security concerns.