-- Advertisements --

Pumalo na ng 323,436 ang kabuuang bilang ng mga overseas Filipino workers (OFWs) na napauwi ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Pilipinas magmula noong nagsimula ang COVID-19 pandemic.

Aabot ng 59 chartered flights at 1,200 commercial flights ang inayos ng ahensya para makapiling ng ating mga kababayan ang kani-kanilang mga mahal sa buhay.

Nitong nakalipas na araw ay sinalubong din ng DFA ang 285 OFWs mula Bahrain, Lebanon at Syria sa ilalim ng assisted repatriation program ng mga embahada ng Pilipinas sa Manama, Beirut at Damascus.

Katuwang naman ng mga ito sa kanilang programa ang Office of the Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs ng DFA.

Binubuo ang mga ito ng 29 na mga Pilipino mula Bahrain, kasama ang tatlong sanggol, 253 Pinoy mula Beirut, at 3 Pilipino mula Syria.

Sa kabila ng hinaharap na pandemya ng buong bansa ay labis pa rin ang pasasalamat ng mga napauwing OFWs dahil makakasama nila sa pagsalubong ng bagong taon ang kanilang mga kamag-anak.

“When the pandemic crashed into our lives and the lockdown started in March, our Department, including Embassies and Consulates abroad, mounted a repatriation program of unprecedented scale and expense,” saad ni DFA Secretary Teddy Boy Locsin.

“Into our airports, repatriates with bewildered faces started trickling then flooding in, without the usual throng of excited family and friends. Everywhere was lockdown, which saved some 3.5 million of us from infection and worse.”

“Here as well, we got news after news of friends, loved ones and acquaintances succumbing to virus, businesses closing, jobs lost, tables without food for days; separated families begging for reunion. The heartbreaks have not ceased. For the first time, in our shared want and frustration — and worse yet grief, I feel as if we finally truly understand each other,” ani Locsin.

Samantala, hinihikayat naman ng DFA ang mga Pilipino na nasa ibang bansa atmga foreign nationals na nagbabalak magtungo sa bansa na ipagpaliban muna ang kanilang mga plano.

Kasunod na rin ito ng pagpapalawig ng Malacañang hanggang Enero 15, 2021 sa temporary entry ban ng mga flights at dayuhang pasahero na magmumula sa United Kingdom at 19 pang bansa na nakapagtala na ng bagong strain ng coronavirus.