MANILA – Nadagdagan pa ng 22 ang bilang ng mga Pilipinong tinamaan ng coronavirus disease (COVID-19) sa ibang bansa.
30 January 2021
— DFA Philippines (@DFAPHL) January 30, 2021
Today, the DFA received 22 new COVID-19 reports in the Americas. Meanwhile, no new recovery and no new fatality were recorded. (1/2)@teddyboylocsin pic.twitter.com/5JiNtVsyob
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), umaabot na sa 13,960 ang bilang ng confirmed cases ng mga Pilipino abroad.
“Today, the DFA received 22 new COVID-19 reports in the Americas.”
Mula sa naturang bilang, 3,561 ang verified ng Internal Health Regulations ng Department of Health (DOH-IHR).
“Compared to last week’s percentages, the total number of COVID-19 fatalities and recoveries saw a slight decrease to 6.81% and 63.89%, respectively,” nakasaad sa online post ng Foreign Affairs department.
Walang naitalang bagong gumaling o namatay, kaya ang total recoveries ay nananatili sa 8,919. Habang ang total deaths ay nasa 950.
“Meanwhile, no new recovery and no new fatality were recorded.”
Nasa 4,091 naman ang mga nagpapagaling pa o active cases.
Batay sa datos ng DFA, naitala ang higit 13,000 confirmed cases ng mga Pilipino sa 85 na bansa.
Pinakamaraming Pinoy ang tinamaan ng COVID-19 sa Middle East/Africa. Sumunod sa Asia-Pacific, Europe at Americas.