Nadagdagan pa ng 43 ang bilang ng mga Pilipino na tinamaan ng pandemic na coronavirus disease (COVID-19) habang nasa ibang bansa, na gumaling na mula sa sakit.
03 September 2020
— DFA Philippines (@DFAPHL) September 3, 2020
Today, the DFA confirms 43 new recoveries of Filipinos abroad from COVID-19 reported in Europe. Meanwhile, 1 new confirmed case was reported in Asia and the Pacific, and no new fatalities anywhere. (1/2)@teddyboylocsin pic.twitter.com/YBRYkyi6CW
Batay sa data na inilabas ng Department of Foreign Affairs (DFA), umabot na sa 6,220 ang bilang ng Pinoys abroad na nag-recover mula sa COVID-19.
Pero may isa pang nadagdag sa mga tinamaan ng sakit, na ngayon ay may total nang 10,097. Mula rito, may 3,120 pa na nagpapagaling.
Habang nasa 757 ang total ng mga binawian ng buhay.
Sa rehiyon pa rin ng Middle East/Africa may pinakamaraming Pilipino na COVID-19 confirmed case na nasa 6,975. Sumunod ang Europe na nasa 1,166; Asia-Pacific na 1,158; at Americas na nasa 798.
“DOH-verified cases are now at 1,985, with 7 new verified cases in Asia and the Pacific and Middle East.”
“The DFA shall continue to keep track of the status of Filipinos abroad and stands ready to assist and facilitate repatriations, whenever possible.”