Nakatakdang ilabas ng Commission on Elections (Comelec) ang kanilang desisyon hinggil sa apela ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na payagan silang magpatuloy sa kanilang fuel subsidy disbursement.
Sa gitna ito ng kasalukuyang ipinapa-iral ng Comelec na public spending ban ngayong panahon ng halalan.
Ayon kay Comelec Commissioner George Garcia, sa ngayon ay pinag-aaralan palang ng Komisyon ang mga dokumentong isinumite ng LTFRB sa kanilang tanggapan kaugnay sa kanilang fuel subsidy program.
Kinakailangan din kasi aniya na suriing mabuti ng Comelec ang mga ito kung tama ba ang naging petisyon o tama ba ang mga procedure na gagawin ng LTFRB sa pamamahagi ng fuel subsidy, at kung paano ang implementasyon nito. ]
Sa ilalim kasi ng Comelec’s Resolution No. 10747, ay kinakailangan na makakuha muna ng certificate of exemption bago mapayagan na magsagawa ng mga aktibidad at programang kaugnayan sa social welfare projects and services sa gitna ng naturang pagbabawal.
Matatandaan na una nang sinuspinde ng LTFRB ang alokasyon ng fuel subsidy para sa mga operator at tsuper ng public utility vehicles (PUV) nang dahil sa public utility vehicle o (PUV).