-- Advertisements --

Aminado si Japan’s prime minister Shinzo Abe na kailangang ikonsidera nang mabuti ang pagkansela sa 2020 Tokyo Olympics dahil sa COVID-19.

Sinabi ito ni Abe habang isinasagawa ang Diet committee session kung saan nagkomento ito sa desisyon ng International Olympic Committee na magsisimula pa lang pagdesisyunan ang mangyayari sa naturang palaro.

Plano kasi ng IOC na kumonsulta muna sa Tokyo organizing committee para isapinal ang desisyon sa loob lamang ng apat na linggo.

Isiniwalat din ng prime minister na nakipag-usap na ito kay Yoshiro Mori, head ng organizing committee.

Ayon pa kay Abe, magdedesisyon umano ang IOC alinsunod na rin sa kaniyang opinyon na dapat isagawa ang Olympics ng buo at kung hindi kakayanin ay kanselahin na lamang.

Handa rin daw makipagtulungan si Abe sa IOC at Tokyo Metropolitan Government para magkaroon na ng pinal na desisyon hinggil sa olimpiyada.