Ikinatuwa ni Philippine Hospital Association president Dr. Jaime Almora ang pagsuspinde ng PhilHealth sa implementasyon ng circular na nagsususpinde naman sa pagbabayad sa mga claims ng mga ospital para sa treatment ng COVID-19 cases.
Ayon kay Alomora, masayang balita ito para sa kanila kasunod ng serye ng mga pagpupulong na kanilang ginawa kasama ang mga opisyal ng PhilHealth, at nagpapasalamat din siya sa Kongreso na nagsilbi nilang boses sa usapin na ito.
Ngayong araw ng Linggo, sinabi ng PhilHealth na sinususpinde muna nila ang kanilang circular hinggil sa temporary suspension ng claims payments habang nakikipagdayalogo pa sila sa mga ospital.
Nakasaad sa Circular No. 2021-0013 ng PhilHealth ang guidelines para sa Temporary Suspension of Payment of Claims bilang preventive measure laban sa health care providers na subject sa imbestigasyon.
Samantala, sang-ayon naman si Almora na ang mga legit na claims lamang ng mga ospital ang dapat na bayaran ng PhilHealth.
Hindi naman aniya tama na idamay pa pati iyong mga cliams na hindi naman fraudulent.