Binigyang-diin ni Comission on Elections chairman George Erwin Garcia na hindi makakaapekto sa kanilang paghahanda para sa gaganaping 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa darating na Oktubre ang desisyon ng Korte Suprema.
Ito ay may kaugnayan pa rin sa idineklara ng Korte Suprema bilang unconstitutional ang Republic Act 11935 na nagpapaliban sa panahon ng halalan para sa barangay at SK mula sa orihinal na scehdule nito noong Disyembre 2022 hanggang huling araw ng Lunes sa Oktubre 2023.
Ayon kay Comelec Chairman Garcia, bagama’t unconstitutional ang desisyon ng Supreme Court hinggil dito ay tuloy na tuloy pa rin aniya ang kanilang isinasagawang paghahanda ngayon para sa naturang lokal na halalan.
Kaugnay pa sa naturang desisyon ng Korte Suprema, ay sinabi rin ni Garcia na ang Comelec ay magdadaos muli ng panibagong BSKE para sa December 2025 sa Senado dahil ang mga barangay at SK officials na ihahalal ngayong taon ay papayagang manilbihan lamang ng dalawang taon.