-- Advertisements --
image 328

Nakatakdang ilabas ng Department of Transportation (DOTr) ang desisyon sa panukalang taas pasahe sa Metro Rail Transit Line (MRT) at Light Rail Transit Authority (LRTA) sa buwan ng Marso matapos ang isinagawang pagdinig nitong nakalipas na araw.

Sinabi ni DOTr Undersecretary for Railways Cesar Chavez na tinatarget na maisumite ang rekomendasyon para sa panukalang dagdag pamasahe sa loob ng 10 hanggang 15 araw matapos ang pag-review sa mga apela para sa fare adjustment.

Sa naturang panukala, target na maitaas ang base fare mula sa P11 hanggang P13.20 at sa bawat kilometro naman ang pamasahe ay mula P1 hanggang P1.21.

Ayon naman kay Light Rail Transit Authority (LRTA) Administrator Hernando Cabrera na nasa average na P4.50 sa bawat sakay ang babayaran ng mga pasahero.

Paliwanag naman ni DOTr USec. Chavez na sakaling kailanganin pa ng karagdagang mga dokumento para sa makapagdesisyon sa fare adjustment ay magsasagawa ng panibagong pagdinig.