-- Advertisements --
Desisyon hinggil sa mga petisyon na taas sa minimum wage, ilalabas bago ang Mayo – DOLE
Inaasahang mailalabas na ng Department of Labor on Employment (DOLE) ang desisyon hinggil sa mga petsiyon sa pagtatas ng minimum wages sa buong bansa
bago ang buwan ng Mayo.
Ayon kay DOLE Assistant Secretary Dominique Tutay, kumikilos na ang regional wage board at nagbigay na rin ng utos si Labor Secretary Bello na pabilisin ang proseso.
Maaalala kamakailan na naglunsad ng rally ang Labor unions alliance sa National Capital Region Wage Board office para sa approval ng kanilang petisyon para sa P750 na minimum wage.
Umapela din ang Trde Union Congress of the Philippines ng P470 dagdag para sa minimum wage kada araw sa NCR para gawin itong P1,007.