Masayang ipinagdiwang ni Miami Heat forward Derrick Jones Jr. ang kanyang ika-23 kaarawan matapos na manalo sa All-Star Slam Dunk Contest.

Tinalo ni Jones si Orlando Magic forward Aaron Gordoon sa isang hindi malilimutan na showdown dahil dalawang tiebreaker jams ang kinailangan dito.

Kapwa nakapagtala ng perfect 50 sina Jones at Gordon sa kanikanilang dunks sa final.

Isa pang perfect score ang kanilang naitala sa kanilang unang jam sa dunk-off.

Para mawakasan ito, tumalon si Jones pero nasaktong nasa loob ng foul line kaya ang kanyang windmill jam gamit ang kaliwang kamay ay nakakuha lamang ng 48 points mula sa panel ng limang hurado.

Pagkataos ng kaunting diskusyon kay Famer Shaquille O’Neal ay nagpakitang gilas naman si Gordon subalit binigyan lamang ng mga hurado ng 47 points.

Magugunita na noong 2016 ay bigo rin si Gordon sa dunk contest kontra naman Zach LaVine.