Pormal nang naghain ng kanyang kandidatura si House Deputy Speaker Neptali Gonzales II para tumakbo ulit bilang kongresista ng lone district ng Mandaluyong.
Alas-8:46 ng umaga nang inihain ng chief of staff ni Gonzales na si Al Bainza ang COC ng kongresista sa National Capital Region office ng Commission on Elections (Comelec) sa Manila.
Kapag papalarin na manalo sa halalan sa susunod na taon, tinitiyak ni Gonzales ang pagpapatuloy ng kanyang “compassionate” at “responsive” na mga programa para sa kanyang mga constituents at sa ikabubuti rin ng Mandaluyong City sa panahon ng pandemya.
Si Gonzales ay nagsilbing kongresista ng Mandaluyong City noong 10th hanggang 12th, at 14th hanggang 16th, pati na rin ngayong 18th Congress.
Siya ay naging Majority Leader din noong 11th, 12th, 15th at 16th Congress.
Nabatid na siya ang pinakamatagal na panahon bilang Majority Leader.
Bago siya naging kongresista, naging alkalde rin ng lungsod si Gonzales mula 2004 hanggang 2007.