-- Advertisements --
Sang-ayon ang Department of Finance sa planong pansamantalang pagbawas ng import tariff ng mga bigas para bumaba ang presyo nito.
Sinabi ni Finance Secretary Benjamin Diokno, na mahalaga na gumawa ng paraan ang gobyerno para matiyak na may sapat na suplay ng bigas sa mababang presyo.
Naniniwala ito kaya ipinatupad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang price ceiling ng mga bigas ay dahil sa maraming mga rice suppliers ang umaabuso na.
Pabor ito sa mungkahi ng Foundation for Economic Freedom (FEF) sa temporaryong pagtanggal o pagbawas ng taripa ng mga bigas para mapababa ang presyo nito.