-- Advertisements --
image 293

Muling nagpa-alala ang department of Agriculture (DA) na hindi pinapayagan ang pagpasok sa bansa ng sari-saring agriculture products, lalo na kung nagmula ito sa mga bansang may history ng anumang peste sa halaman.
Kasunod ito ng pagkakakumpiska ng Bureau of Plant Industry (BPI) sa samot-saring prutas at gulay mula sa anim na pasahero sa Ninoy Aquino International Airport NAIA terminal 1.
Ayon sa Bureau of Plant Industry, unang nakumpiska ang ilang gojiberry, 2 kgs walnut, at 2 kgs na plums mula sa isang pasahero galing Xiamen, China.
Sumunod ang 192 kgs na atis at 27.7 kgs na lansones na bitbit ng isang pasahero mula naman sa Hong Kong.
Nakumpiska rin ng mga otoridad ang assorted na gulay na pag-aari naman ng pasahero mula Thailand.
Samantala, ilang pasahero naman galing Jinjang na nakunan ng 2kgs na petchay, 1.5kgs na radish, 4.5kgs na mais, at 0.5kg na kangkong.
Dala rin ng pasahero mula sa Xiamen ang 0.8kg na luya at 1kg na lutos root.
Agad hinanapat ang mga ito ng permit, ngunit inamin ng mga pasahero na wala silang papeles na ganun dahil hindi raw nila alam na ito ay ipinagbabawal.
Una nang ipinaliwanag ng mga eksperto na ang pagkakaroon ng mga peste sa ating bansa ay dahil sa mga nakakalusot na produkto, maging ito man ay gulay, prutas at karne ng hayop, dahil ang mga ito ay hindi dumaan sa tamang pagsusuri.