-- Advertisements --
image 320

Isang learning experience ang deployment ng 82 miyembro ng inter-agency rescue unit ng Pilipinas sa Turkey na tinamaan ng malakas na lindol na makakatulong sa ating bansa para makapaghanda para sa mas malakas na lindol o ang tinatawag na “The Big One” ayon sa Office of the Civil Defense.

Ayon kay OCD spokesperson Bernardo Rafaelito Alejandro IV, ito ang unang pagkakataon na nagpadala ang bansa ng interagency team.

Ang karanasan aniya ng rescue team ng Pilipinas sa Turkey ay makakatulong para malinang pa ang ating kapasidad at kakayahan sa pagtugon sa sana’y hindi mangyari ang pinangangambahang “The Big One”.

Ayon sa pag-aaral sa risk assessment at consultancy firm na Philippine Statistics Authority na inilathala noong 2019, ang naturang the Big One o magnitude 7.2 na lindol na maaaring tumama sa Metro Manila ay pinangangamahang magdudulot ng nasa 52,000 pagkasawi at kalahating milyon ang tinatayang injuries.