-- Advertisements --

Handa na raw ang PNP sa kanilang deployment ngayong araw para sa pagsisimula ng campaign period sa lokal na lebel.

Ayon sa kay National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Major General Felipe Natividad, nasa 4,000 police personnel ang naka-deploy na ngayong raw sa Metro Manila para sa kampanyahan.

Siniguro ni Natividad sa publiko na handa at makakapagbigay ng sapat na seguridad ang mga pulis para mag-patrol at mag-monitor sa kanilang area of responsibilities.

Aminado naman si Natividad na mas challenging ngayon ang pagbabantay ng mga pulis sa mga campaign sorties dahil sa global health crisis o ang COVID-19 pandemic.

Tiniyak din nitong palaging makikita ang presensiya ng PNP para magsagawa ng operasyon para matiyak ang ligtas, mapayapa at patas na halalan.