-- Advertisements --
image 551

Iniulat ni Vice President Sara Duterte na walang natanggap na anumang ulat ang Department of Education (DepEd) na harassment laban sa mga guro na nagsilbi bilang electoral board.

Ayon pa kay VP Sara, naglatag ang DepEd ng command center kung saan maaaring magresport at makahingi ng legal aid ang mga gurong nagsilbi sa araw ng halalan mula sa anumang uri ng pangaabuso, harassment at mga banta.

Saad pa ng Bise Presidente na nakipag-partner ang DepEd sa Commission on Elections at Public Attorney’s Office para asistihan ang mga kaguruan.

Ginawa ni VP Sara ang naturang pahayag matapos na bumoto para sa BSKE sa Daniel R. Aguinaldo National High School.

Top