-- Advertisements --

Tutukan ni VP-elect Sara Duterte-Carpio ang kaniyang tungkulin bilang itinalagang kalihim ng Department of Education (DepEd) sa oras na maupo na ito sa pwesto.

Sa unang 100 araw ni VP Sara, ibinahagi niya na kaniyang pag-aaralan ang pagbabalik ng lahat ng mag-aaral sa basic education sa face to face classes.

Sa ngayon kasi gradual o unti-unti pa lamang na pinapayagan ng DepEd at ng CHED ang pagbabalik ng face to face classes simula noong nakalipas na taon subalit ang pagbabalik ng mga mag-aaral sa mga campus ay mabagal kumpara sa karatig na mga bansa.

Ayon kay VP Sara, magpopokus ito sa pondo kung saan nakatakdang isumite na ang inilang pondo para sa kagawaran para sa General Appropriations Act of 2023.

Isa din sa pagtutuunan ng pansin ni VP Sara ang K-12 program.

Dumistansiya naman si VP Sara sa usapin sa pagbuhay sa mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC).

Aniya, ang CHED ang nararapat na tumalakay sa naturang usapin dahil ang hinahawakan ng kalihim ng DepEd ay sa basic education.