Nagbigay ng three-month moratorium sa pagbabayad ng loan ang Department of Education (DepEd) bilang tulong para sa mga empleyadong may kinahaharap na utang.
Batay sa inilabas na Board Resolution No. 02, s. 2020 ng DepEd Provident Fund National Board of Trustees, magbibigay ng three-month moratorium sa pagbabayad ng loans base sa Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Republic Act No. 11469 o ng “Bayanihan to Heal as One Act.”
Maging ang paraan ng pagbabayad sa Provident Fund ay mapapalawig din ng tatlong buwan habang ang mga borrowers ay hindi mapapatawan ng interest at penalty sa loob ng moratorium period.
Nakipag-ugnayan din ang DepEd sa pamamagitan ng Government Service Insurance System (GSIS) na magbigay ng moratorium sa loob ng three-month suspension ng loan payments ng kanilang mga miyembro at pensioners.
“We express our appreciation to GSIS, as well as the Provident Fund National Board of Trustees, for their kind understanding of the burdens of our teachers and staff. We will continue our efforts to protect the interests of our officials, teaching and non-teaching personnel,” wika ni DepEd Sec. Leonor Briones.