-- Advertisements --

May mga hakbang na ginagawa ang Department of Education laban sa nagaganap na bullying sa mga paaralan.

Sinabi ni DepEd spokesperson Atty. Michael Poa, na paiigtingin nila ang kanilang adbokasiya laban sa bullying.

Mula pa noong 2022 ay naging aktibo ang kanilang hotline na 8632-1372 kung saan mayroon na silang naresolbang kaso na 120.

Patuloy din aniya ang panghihikayat niya sa mga guro na ituro sa mga mag-aaral nila ang negatibong epekto ng bullying.