-- Advertisements --

Inihinto na ng Department of Education (DepEd) ang kanilang pagbibigay ng parangal sa mga paaralan na may pinakamahusay na pagsasagawa ng “Brigada Eskuwela” program.

Base sa memorandum na ipinalabas ng DepEd na wala na silang kikilalanin na Best Implementing School Awards sa Brigada Eskuwela para sa taong ito.

Ang nasabing hakbang ay bilang tugon ng DepEd sa ilang issues na lumabas sa pagpapatupad ng nasabing programa.

Bibigyan na lamang nila ng certificate of recognition ang lahat ng mga elementary at secondary schools na nag-comply sa Brigada Eskuwela at ang mga partners nila na nakasama para sa nasabing programa.