-- Advertisements --

Target ng Department of Education (DepEd) na palitan ang mga outdated laptops na ibinigay sa mga guro sa pampublikong paaralan.

Ayon kay DepEd spokesperson Michael Poa magsasagawa ang kagawaran ng survey para matukoy ang mga isyu sa laptops na binili sa pamamagitan ng Department of Budget and Management-Procurement Service (PS-DBM).

Paliwanag pa ng DepEd official na maliban sa pagtugon sa mga concern ng mga guro sa mabagal na computers, makikipag-ugnayan din ang DepEd sa PS-DBM na siyang buyer at kanilang igigiit ang warranty provision sa kanilang kontrata sa supplier ng laptops.

Una rito, base sa report mula sa feedback na nalikom ng state auditors sa NCR at CAR natuklasan na sobrang bagal ng laptops dahil ang processor ay Intel Celeron na outdated na.

Sa ngayon, hiniling ng DepEd sa PS DBM na magsumite ng documentation sa procurement ng mga laptop.

Sa oras aniya na matanggap nila ang mga dokumento ay saka sisiyasatin kung mayroong gaps sa procurement process.

Top