Target na masolusyunan ng Department of Educations ang mga isyu sa employability o kakayahang magtrabaho ng mga K-12 graduates sa pamamagitan ng MATATAG education agenda.
Ginawa ni DepEd spokesperson Michael Poa ang naturang pahayag bilang tugon sa ulat ng Commission on Human Rights (CHR) kamakailan kung saan lumalabas na nahihirapang makahanap ng trabaho ang mga senior high school graduates sa bansa dahil sa kakulangan ng soft skills at kahandaang magtrabaho at malapit sa scams.
Sa parte ng DepEd, sinabi ni Poa na naipaabot na sa kanila ang naturang siyu noong iprinisenta ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang Basic Education Report noong Enero.
Kayat para matugunan ang mga isyung ito ay sa pamamagitan ng Matatag agenda kung saan makikipag-engage ang Commission on Higher Education, Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), at iba pang indutry partners upang matugunan ang isyu sa skills na hindi tugma sa SHS program ng DepEd.
Ang naturang agenda ay parte aniya ng nagpapatuloy na pag-review sa SHS Curriculum.
Una ng inihayag ni Duterte na irerepaso ang K-12 curriculum sa layuning makapag-produce ng job-ready at responsableng graduates.