-- Advertisements --

Pinagpapaliwanag ng Commission on Audit (COA) ang Department of Education (DepEd) matapos masilip ang ilang pagkakamali sa higit P250-milyong halaga n g textbooks na ipinamahagi nito sa mga public schools sa bansa.

Batay sa annual audit report ng COA, nakita ng state auditors na kulang-kulang ang impormasyon ng nasabing mga libro, partikular na ang isang Grade 3 textbook kung saan binanggit bilang coastal provinces ang Zambales at Aurora.

Nakasaad din daw sa nasilip na libro ang pagdeklara sa pantalan ng Batangas bilang international port at maling paggamit ng thermometer sa tubig.

Bukod dito, mismong mga guro na umano ang nagsabi na hindi nakasunod sa curriculum, mababa ang kalidad ng papel, at repetitive o paulit-ulit ang topics sa mga textbook.

“In effect, the errors/deficiencies found in subject learning materials that are provided to the learners and educators in public elementary schools rendered these instructional materials of poor quality.”

Napansin din ng COA na hindi agad na-distribute ang higit P113-milyong halaga ng learning materials na ginawang buffer stock noong 2014 hanggang 2017.