-- Advertisements --

Nilinaw ng Department of Education (DepEd) na hindi pa epektibo ang panibagong panuntunan na inilabas kaugnay sa pagsuspinde ng klase sa oras ng kalamidad at sakuna.

Ginawa ng kagawaran ang paglilinaw matapos nilang isapubliko ang DepEd Order 37 na pirmado ni Vice President at Education secretary Sara Duterte-Carpio.

Ayon pa sa DepEd, hindi pa naihahain sa Office of the National Administrative Register sa UP Law Center ang kautusan kung kaya ay hindi pa ito mai-aapply.

Kailangan din ng personal na pirma ang kautusan dahil tanging electronic signature ang mayroon ito nang ilabas sa DepEd website.

Matatandaang kahapon, ilang paaralan ang nagsuspinde ng klase sa Metro Manila bilang pagsunod sa bagong kautusang inilabas ng DepEd.