Muling nanawagan ang Department of Education (DepEd) sa myembro ng media na maging tapat sa mga inilalabas na balita sa publiko.
Ginawa ng kagawaran ito dahil sa naglabasang ulat na libo-libong guro mula Pangasinan ang humikayat kay Pangulong Rodrige Duterte na tanggalin sa pwesto si DepEd Sec. Leonor Briones.
Sa ginawang imbestigasyon ni DepEd Undersecretary at Chief of Staff Atty. Nepomuceno Malaluan, napag-alaman umano nito na walang katotohanan ang isinulat na news article at editorial ng isang English broadsheer noong Oktubre 19 at Oktubre 21.
Ayon din umano sa mga division supervisors ng Dagupan, wala raw nagpunta sa kanilang opisina upang humingi ng interview o statement tulad ng nakasaad sa report.
Malinaw aniya na inaatake ng mga ito ang kakayahan at edad ni Briones na pamunuan ng education sector sa gitna ng coronavirus pandemic.
Tila hindi naman nagpapa-apekto sa nasabing isyu ang 80-anyos na kalihim, para kay Briones ay hindi mahalaga ang edad dahil karamihan aniya ng mga tumutulong upang unti-unting mapabuti ang lipunan ay hindi kinakailangan maging bata.