-- Advertisements --

Hinikayat ng Department of Education ang lahat ng mga public elementary at high schools sa buong bansa na magsagawa rin ng mga aktibidad na may kaugnayan sa paggunita sa 1986 EDSA People Power Revolution.

Ito ay batay sa inilabas na memorandum ng DepEd na nilagdaan naman ni Undersecretary Omar Romero sa ilalim ng authority ni Education Secretary at Vice President Sara Duterte ay hinimok ang lahat ng mga undrsecretary, assistant secretary, bureau and service directors, regional directors, schools division superintendents, at school heads na nasa ulalim ng naturang ahensya na maglunsad ng commemorative activity na layuning itampok ang principles at values ng EDSA People Power Revolution.

Alinsunod ito sa layunin ni VP Duterte na panatilihin ang diwa nito sa lahat ng mga pampublikong paaralan makalipas ang 38 taon.

Samantala, bilang gabay naman para sa mga school officials at teachers sa naturang mga aktibidad ay mayroong itinakdang tema ang DepEd ukol dito na tinawag na “Pagkakaisa at Paninindigan Laban sa mga Bagong Hamon sa Bayan,”.

Ayon sa Education Department, ang school-based festivities na ito ay alinsunod pa rin sa Proclamation No. 1224 in 2007 na nagdeklara sa Pebrero 22 hanggang Pebrero 25 kada taon bilang “Edsa People Power Commemoration Week”.