-- Advertisements --
image 142

Kinumpirma ng Department of Education (DepEd) na kasalukuyang nakikipag-ugnayan ito sa mga kinauukulang law enforcement agencies para “itigil” ang umano’y recruitment activities ng New People’s Army (NPA) sa mga paaralan sa Metro Manila.

Ayon kay DepEd Undersecretary at Spokesperson Michael Poa, hindi nila maiibigay ang mga pangalan ng paaralan dail sa sesitibong katangian ng nasabing usapin.

Kung matatandaan, isiniwalat ni Poa na 16 na pampublikong high school sa National Capital Region (NCR) ang sangkot sa recruitment activities ng NPA.

Nang tanungin para sa higit pang mga detalye sa usapin, nanindigan si Poa na ang impormasyon ay sinuri na ng National Intelligence Coordinating Agency.

Ipinaliwanag ni Poa na walang tiyak na impormasyon ang DepEd kung kailan nagsimula ang nasabing “recruitment activities” sa mga paaralang ito ng NCR.

Upang matigil ang umano’y mga aktibidad na ito sa recruitment, sinabi ni Poa na ang DepEd ay maglalabas ng mga kaugnay na detalye at hindi aniya ito makakagambala sa mga operasyon ng mga ahensyang nagpapatupad ng batas.

Tiniyak ng opisyal na ang DepEd ay tinutugunan ang isyu sa mga kaukulang ahensyang nagpapatupad ng batas at gumagawa ng mga programa para sa kaalaman para sa mga mag-aaral.