-- Advertisements --

Nagbabala ang Department of Education (DepEd) sa publiko na huwag maniwala sa mga online scholarship assistances sa mga mag-aaral na mula umano sa kanilang ahensiya.

Ayon sa DepEd na maraming mga pekeng online post ang nagkalat at walang anumang scholarship assistance program ang kanilang opisina.

Hinikayat nila ang publiko na agad na isumbong sa kinauukulan ang anumang makita nilang mga pekeng online scholarship assistances.

Dagdag pa nila na dapat makipag-ugnayan na lamang sila sa mga DepEd regional offices para matiyak na hindi sila mabiktima.