Malugod na tinanggap ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang naging resulta ng OCTA Research, kung saan itinanghal ang Department of Education (DepEd) bilang pinakapinagkakatiwalaan at nangungunang ahensya ng gobyerno.
Sa ilalim ng pamumuno ni Duterte, nanguna ang DepEd para sa trust and performance sa Tugon ng Masa third quarter 2023 nationwide survey ng OCTA Research.
Gayunpaman, iginiit ni Duterte na ang resulta ng survey ay bunga ng kapit-bisig na pagtutulungan at pinagsama-samang kakayahan tungo sa iisang mithiin ng mga taong may pagmamahal sa bansa.
Tiniyak ni Duterte sa publiko na patuloy nilang ipaglalaban ang mas maayos na edukasyon at seguridad para sa kabataang Pilipino dahil kritikal ito sa pagkamit ng mas matatag na bansa.
Sa survey ng Tugon ng Masa, nakatanggap ang DepEd ng 79% trust rating at 80% performance ranking overall.
Karamihan sa mga nasa hustong gulang na Pilipino na nagtiwala sa ahensya ay nagmula sa Visayas at Mindanao, kung saan binigyan ang DepEd ng ng 88% rating.