-- Advertisements --
image 24

Inaprubahan na ng Department of Education ang konstruksyon sa 7,000 classrooms sa ibat ibang bahagi ng bansa na labis na naapektuhan sa pananalasa ng mga nakaraang bagyo.

Ayon kay Education Assistant Secretary at Deputy Spokesman Francis Bringas, ang mga naturang classrooms ay prioridad ng naturang kagawaran dahil sa kailangan ng mga mag-aaral ang agarang magagamit.

Sa mga lugar na apektado kasi ng bagyo, sinabi ni Bringas na gumagamit ang mga mag-aaral ng mga makeshift classrooms na kailangan nang palitan ng mga standard na silid aralan.

Paliwanag naman ni Usec Bringas, ang pondong kanilang gagamitin para rito ay ang P10billion na nakapaloob sa kanilang Basic Education Facilities na nakalaan para sa pagtatayo ng mga bagong classrooms.

Habang ang mga rehabilitasyon sa mga classrooms na nasira o naapektuhan sa pananalasa ng mga bagyo, ay ibang pondo na ang gagamitin.

Kabilang naman ang probinsya ng Bulacan sa mga lugar kung saan prayoridad na pagtayuan ng mga bagong classroom, kasama na ang mga malalayong lugar, na malimit maapektuhan ng mga kalamidad, katulad ng mga bagyo at pagbaha.