Posibleng abutin pa ng hanggang 20 taon bago tuluyang matugunan ang kakulangan ng mga classroom sa buong bansa.
Maalalang sa pagsisimula ng pasukan nitong Agosto-29 ay inamin ng Department of Education na aabot sa 165,000 classrooms ang kulang sa buong bansa.
Ayon kay DepEd Undersecretary Epimaco Densing, patuloy na lumalaki ang kakulangan ng mga classroom dahil na rin sa paglaki ng populasyon ng mga mag-aaral
Paliwanag ng opisyal na sa liit ng budget ng kagawaran, hirap silang makapaglaan ng pondo para sa pagpapagawa ng mga silid-aralan.
Kung mabibigyan aniya ang kagawaran ng average budget na P24billion para magamit sa pagtatayo ng mga classroom, maaaring unti-unti nilang mapunan ang kakulangan hanggang 2028 o bago bababa sa pwesto si PBBM.
Pero kung sa kasalukuyang budget ng ahensiya, maaari aniyang abutin pa ang bansa ng hanggang 20 years bago tuluyang matugunan ang kakulangan ng mga silid-aralan.