Ikinokonsidera ng Department of Education (DepEd) ang pagtuturo sa mga Grade 10 students hinggil sa West Philippine Sea at ruling na nagpapawalang bisa sa historical claims ng China sa pinag-aagawang karagatan.
Kabilang kasi sa draft guide ng revised K-12 curriculum kabilang dito ang “Mga Isla ng West Philippine Sea” sa ilalim ng aralin ukol sa territorial issues at border conflicts sa asignaturang Araling Panlipunan para sa Grade 10.
Kasama din ang the Hague Arbitral Ruling sa ilalim ng bagong aralin sa pagtugon sa mga hamon sa ekonomiya.
Umaapela naman ang kagawaran na ireview ang revised curriculum guides para sa Kindergarten – Grade 10 hanggang sa Mayo 3.
Nagbunsod ang naging hakbang ng DepEd sa petisyon ang Citizens Alliance for Life and the Law (CALL) of the Sea sa DepEd at Commission on Higher Education para isama sa high school at college curriculum ang arbitral award.
Una rito, patuloy na iginigiit ng Beijing na pagmamay-ari nito ang nasabing karagatan kung saan kabilang sa iba pang claimants ang Pilipinas,Vietnam, Malaysia, Brunei at Taiwan.
Subalit hindi kinikilala ng China ang ruling mula sa The Hague -based Permanent Court of Arbitration noong 2016 na walang basehan ang historical claims nito.