NAGA CITY- Hustisya ang sigaw ng Department of Education (DepEd) sa pamamaril-patay sa isa sa mga empleyado sa Sto. Domingo, Vinzons, Camarines Norte kagabi.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Antonio Ahmad, tagapagsalita ng DepEd-CamNorte, sinabi nitong labis na ikinalungkot ng buong departamento ang nangyari kay Dr. Virgilio Alvin Quiñones.
Ayon kay Ahmad, executive service officer at namumuno sa Human Resource and Training Development ng naturang ahensya ang biktima.
Aniya, base sa kanilang nakuhang impormasyon, madali na sanang mapromote bilang Asst. Schools Division Superintendent si Quiñones kung hindi nangyari ang naturang krimen.
Dagdag pa ni Ahmad, isang miembro ng LBGT Community si Quiñones at isang magaling na empleyado ngunt hindi na nila alam kung ano ang iba pang mga aktibidad nito sa labas ng tanggapan na pwedeng makatulong sa imbestigagsyon.
Sa ngayon, umaasa si Ahmad na mabilis na mareresolba ang krimen at maibibigay ang hustiya sa naturang biktima.
Kung maaalala, ayon sa PNP robbery ang isa sa tinitingnan nilang dahilan sa pamamaslang dahil wala aniya silang narekober na wallet o cellphone sa loob ng sasakyan nito.