-- Advertisements --

Makakatanggap na ng mas mataas na special hardship allowance (SHA) ang mga gruo at heads ng mga paaralan, ayon sa Department of Education (DepEd).

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Education Undersecretary for Finance Annalyn Sevilla na inilabas na ng Department of Budget and Management at DBM ang Joint Circular No. 1 Series of 2021.

Inaamiyendahan ng joint circular na ito ang National Budget Circular 514 Series of 2007, na nagbibigay ng mas mataas na SHA sa mga eligible personnel.

Ayon kay Sevilla, tinataasan ng joint circular na nagtataas sa halaga ng SHA mula sa dating 15 hanggang 25 percent ng kanilang buwanang basic salary.

Ang SHA ay buwanan kung ibigay sa mga guro sa elementary at secondary schools at mga school heads o administrators na exposed sa matinding paghihirap at hazards, tulad nang pagko-commute papuntang trabaho.